Ang San Catalonia autonomous region ay isang kakaibang distrito sa Espanya, hindi lamang dahil may sariling wikang Catalonia at may madaming sariling aktibidad sa kultura. Ang Pista ni Santo George ay isa sa mga mahalagang pista ng Espanya at Catalonia. Ginaganap ang malaking pagdiriwang sa Abril 23 ng bawat taon.
Sa mga alamat ng Catalonia, isang bayani si Santo George. Dumating siya sa bayan ng Montblanc sa Catalonia upang kunin ang prinsesa mula sa kamay ng dragon at iligtas ang buong bayan. Nagpitas si Santo George ng isang pulang rosas na nagmula sa sariwang dugo ng dragon at ibinigay sa prinsesa. Nagbigay din ang prinsesa kay Santo George ng aklat, simbolo ng kaalaman at lakas kung kaya naging pinakamahalagang sagisag ng pistang ito ang rosas at aklat. Ang Pista ni San George ay tila Araw ng Puso ng Catalonia at itong kuwentong romantiko ang siyang pinagmulan ng Araw ng Puso sa Catalonia. Sa araw na ito, magbibigay ang lalaki ng isang rosas sa babae, at magbibigay naman ang babae ng aklat sa lalaki. Napupuno ang mga malalaking kalsada at mga tiangge sa Catalonia ng nagtitinda ng rosas at aklat. Makikita ang palamuting rosas sa kalsada at sa mga gusali. Napupuno ang buong lungsod ng romantikong kapaligiran.
Bukod sa aktibidad sa araw ng Santo George, ang bayan ng Montblanc ay may isang linggo (Semana Medieval de Montblanc) ng pagdiriwang ng pagpatay ni San George sa dragon. Magbibihis ang mga tao bilang hari, reyna, kawal at iba pang mga tauhan sa Middle Ages at maglalakad sa parada. Napupuno ang plaza at tore ng mga watawat at sagisag ng kabalyero.